Okay, since first few days na tayo in 2025 - might as well ilatag ko na plans ko for this year.
Unang una sa lahat, magkaroon ng work. Ito talaga ang priority natin since redundant tayo last year. At this point, wala akong specific work na hinahanap. I just want to keep the income ball rolling kasi medyo nakakahiya naman na wala akong ambag sa bahay, I believe it's about time.
Since we've been manifesting, dapat hindi lang manifest- may bargaining na eksena. Sinabi ko sa sarili ko na once magkaroon ako ng trabaho, magiging "kasal" muna ako sa work ko. Isa-sacrifice ko na lang yung social life ko (e.g. baklaan and family gatherings, unless may travel).
Another plan is to put myself first, sabi nga ni Cookie Lyon sa Empire. I think wala naman masama sa pagdadamot ano, hindi niyo naman ako hinihingi. For the longest time na rin, I've always been too available for people, kaya naman yung binibigay ko sa iba, dapat binibigay ko sa sarili ko. So I guess start na ng ghost mode ko - mawawala until mag-comeback na hindi na ako kilala.
Eto pa so far. SANA TALAGA MA-ACHIEVE. Gusto ko ng pera and peace of mind. Please lang.